Mga Paalala sa Pagsalubong sa Bagong Taon

  1. Hanggat maari, HUWAG GUMAMIT NG PAPUTOK AT PAILAW. Gumamit nalang ng torotot at ibang bagay na gumagawa ng ingaw at ilaw.
  2. Kung hindi maiiwasan ay bumili lamang sa mga rehistradong taga-gawa at nagbebenta. Mag-ingat sa mga pekeng paputok na maaaring pumalya at makapinsala sa gumagamit.
  3. Hanggat maaari, huwag mag-iimbak o magtatago ng paputok nang matagal. Kung kinakailangan, itago ang mga ito sa tuyo at saradong lugar na malayo sa mga potensyal na magsindi sa mga ito tulad ng saksakan ng kuryente, switch, lutuan at iba pa.
  4. Huwag ipapahawak o bibigyan ng kahit na anong uri ng paputok ang mga bata. Maging ang anumang pailaw ay dapat na may patnubay ng nakakatanda.
  5. Huwag magpapaputok malapit sa bahay o anumang gusaling maaaring pasukin nito. Lumayo ng may limampung hakbang mula sa bahay bago magpaputok. Magtanong po sa inyong barangay kung saan ang tinalagang lugar para magpaputok. Huwag magpaputok kung saan-saan lalo na sa mataong lugar.
  6. Huwag na huwag sisindihang muli ang anumang paputok na hindi sumabog. Mag-antay ng 25-20 minuto at buhusan ito ng tubig.
  7. Huwag magpapalipad ng mga “sky lanterns”, maaring bumagsak ang mga ito at pagmulan ng apoy.

Ang mga paalala ay hatid sa inyo mula sa Datu Piang Fire Station sa pamumuno ni SFO3 Akmad A Purong, OIC-Municipal Fire Marshal.

Kami ay bumabati sa inyo ng “Masagana at Manigong Bagong Taon”.

Leave a comment